Pitong parangal sa iba’t ibang kategorya ng 2026 Gawad Saka Search ang nasungkit ng MIMAROPA, na nagtala ng pinakamaraming panalo sa lahat ng rehiyon, sa ginanap na 51st Gawad Saka Awarding ngayong araw, June 29, 2026 sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.
Kabilang sa mga nagwagi ang mga sumusunod:
CROPS
Outstanding Corn Cluster
San Miguel Multi-Purpose Cooperative ng Sablayan, Occidental Mindoro
P2,000,000 prize
Outstanding High Value Crops Cluster
Mindoro Progressive Multi-Purpose Cooperative ng Mamburao, Occidental Mindoro
P250,000 prize
INSTITUTION
Outstanding Rural Improvement Club
MAABET Improvement Club ng Taytay, Palawan
P500,000 cash prize
Outstanding KADIWA ng Pangulo Program (Agri-Fisheries Enterprise)
Calapan Labor Service Development Cooperative (CALSEDECO) Multi Purpose Cooperative ng Calapan City, Oriental Mindoro
P250,000 cash prize
Outstanding KADIWA ng Pangulo (KNP) Program Implementer (Local Government Unit)
City Local Government Unit of Puerto Princesa City, Palawan
P450,000 cash prize
AGRICULTURAL EXTENSION MANAGER
Outstanding Agricultural Extension Manager (Municipal and City Level)
Mr. Romel B. Calingasan ng San Jose, Occidental Mindoro
P250,000 Cash Prize
CROSS-CUTTING
Outstanding Agricultural Entrepreneur (Micro Enterprise)
Three Sisters Homemade Banana Chips - Ms. Rowena Rivadeniera Globio ng Sta Cruz, Marinduque
P250,000 cash prize
Maliban sa cash prize, bawat isa ay nakatanggap ng trophy at presidential certificate na iginawad nina Undersecretary for Operations and Agri-Fisheries Mechanization and Rural Credit at 51st Gawad Saka NEC Chairperson Engr. Roger V. Navarro, at Vice Chairperson Engr. Remelyn R. Recoter ng Agricultural Training Institute.
Nagsilbing keynote speaker si Senator Francis “Kiko” N. Pangilinan, Chairman ng Senate Committee on Agriculture, Food, & Agrarian Reform, na mainit na binati ang lahat ng mga nagwagi mula sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas.
“Kayo ang patunay na ang tunay na pag-unlad ng agrikultura ay hindi lamang nasusukat sa dami ng ani o huli, kundi sa kung paano nito napapabuti ang buhay ng mga pamilya, komunidad, at ng buong bayan,” sabi ni Sen. Kiko.
Kasama ng mga nagwagi sa entablado ang kanilang pamilya at sina DA MIMAROPA Regional Executive Director Atty. Christopher R. Bañas; Regional Gawad Saka Focal Person Baby Clariza M. San Felipe; mga Gobernador ng bawat rehiyon na sina Gov. Humerlito A. Dolor ng Oriental Mindoro, Gov. Melecio J. Go ng Marinduque at Gov. Amy Roa Alvarez ng Palawan; at mga alkalde na sina Mayor Walter B. Marquez ng Sablayan, Atty. Rey C. Ladaga ng San Jose, Atty. Glicerio S. Almero III ng Mamburao, Occidental Mindoro, Mayor Norbert S. Lim ng Taytay, Palawan, at Mayor Lucilo R. Bayron ng Puerto Princesa City; mga Provincial Agriculturist, at Agricultural Technicians ng bawat nanalong kategorya.
“Lubos nating pinasasalamatan ang ating mga magsasaka, mga katuwang na institusyon, at mga lokal na pamahalaan na patuloy na nagpapakita ng kahusayan sa sektor ng agrikultura. Ang parangal na ito ay higit pa sa isang paligsahan—ito ay pagpupugay sa sipag, dedikasyon, at mahalagang ambag ng ating mga magsasaka sa pag-unlad ng ating bansa. Kapag napapahalagahan ang ating mga magsasaka, mas yumayabong ang kanilang kabuhayan at mas umuunlad ang buong komunidad,” ani RED Bañas.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang mga National Technical Committees, Board of Judges ng bawat kategorya, at mga piling empleyado ng DA MIMAROPA kasama si OIC Regional Technical Director for Operations Ronald A. Degala na kung saan nasaksihan nila ang pagbibigay parangal sa bawat nagwagi.
Mainit na pagbati ang ipinapahatid ng buong rehiyon ng MIMAROPA ang pitong (7) awardee kanilang husay at dedikasyon para sa sektor ng agrikultura at tagumpay na nakamit sa 2026 Gawad Saka Awarding.