News and Events

Mahigit ₱68-Milyong Tulong Ipinamahagi sa mga Magsasaka at Mangingisda sa Romblon na Naapektuhan ng Bagyong Opong

Mahigit ₱68-Milyong Tulong Ipinamahagi sa mga Magsasaka at Mangingisda sa Romblon na Naapektuhan ng Bagyong Opong

Alinsunod sa direktiba ni Kalihim Francisco “Kiko” Tiu Laurel, Jr. na agarang maipaabot ang tulong sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng Bagyong Opong, namahagi ang Kagawaran ng Pagsasaka (DA) ng mahigit ₱68 milyong halaga ng mga interbensyon sa Lalawigan ng Romblon.

Kabilang sa mga ipinamahaging interbensyon ang mga agri-inputs, cash assistance, makinarya, binhi, mga kagamitang pampangisda, fuel assistance, at insurance claims. Ang mga ito ay mula sa iba't ibang ahensya ng Kagawaran ng Pagsasaka, kabilang ang DA-MIMAROPA, Bureau of Plant Industry (BPI), PhilMech, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), at Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).

Pinapurihan naman ni OIC-Regional Technical Director for Field Operations Emerson S. Yago ang pamahalaang lokal dahil sa mabilisang pag-uulat ng mga kinakailangang datos kaugnay ng pinsala at pagkalugi sa sektor ng agrikultura at pangisdaan sa lalawigan.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat ahensya upang maisakatuparan ang agarang pagbabahagi ng tulong.

“Dito po natin nakikita sa pagsasama-sama natin ang tatlong C — ang converge, coordinate, at cooperate — ng lahat ng tao, pamunuan, mga ahensya, at maging ng pribadong sektor upang makabangon tayo sa epekto ng habagat at malalakas na bagyo tulad ng Bagyong Opong,” ani Yago.

Tinatayang 109 na samahan at kooperatiba ng mga magsasaka at mangingisda, gayundin ang mahigit 4,000 indibidwal, ang makikinabang sa mga interbensyong ito.

Nagpasalamat naman ang ilang magsasaka sa kanilang mga natanggap na interbensyon. 

“Kami ay nagpapasalamat sa Department of Agriculture-PhilMech dahil nakatanggap kami ng makinarya (traktorta). Makakatulong ito sa pagpapabilis ng aming ani lalo na sa panahon ng tag-ulan. Tataas na ang aming production at income,” ani Nilo Atisa, Pangulo ng Baling Farmers Association, Sta. Fe, Romblon. 

“Nagpapasalamat po ako sa cash assistance na nakuha mula sa Department of Agriculture, ipampbibili po namin ito ng abono,” pahayag naman ni Jessie Fabon mula bayan ng Calatrava. 

Layunin ng pamamahagi ng tulong na mapabilis ang pagbangon ng sektor ng agrikultura at pangisdaan sa probinsya at matiyak ang pagpapatuloy ng kabuhayan ng mga apektadong magsasaka at mangingisda matapos ang pinsalang idinulot ng bagyo.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.