News and Events

DA-SAAD MIMAROPA hinasa ang kasanayan sa market planning ng mga magsasaka sa Romblon at Palawan

DA-SAAD MIMAROPA hinasa ang kasanayan sa market planning ng mga magsasaka sa Romblon at Palawan

Dalawampuโ€™t walong (28) samahan ng mga magsasaka sa Palawan at Romblon ang lumahok sa serye ng Training on Crafting of Market Plan na isinagawa ng Department of Agriculture โ€“ Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) MIMAROPA mula Hunyo hanggang Hulyo ngayong taon.

Pinangunahan ng Marketing Assistance and Enterprise Development (MAED) Cluster ng DA-SAAD MIMAROPA ang aktibidad na naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga kalahok sa pagnenegosyo at marketing sa pamamagitan ng pagbibigay ng praktikal na kaalaman at kasanayan sa pagbuo ng epektibong market plan para sa kani-kanilang mga negosyo.

Sa Palawan, kabilang sa mga lumahok ang Villa Fria Farmers Association, Villa Sol Farmers Association, Diit Farmers Association, AbBaCa Farmers Association, Central Algeciras Farmers Association, mula sa bayan ng Agutayan; ย Lacaren Farmers Association, Kasoy Growers and Processing Association, Rural Improvement Club (RIC), Rizal-Lucbuan Farmers Livelihood Association, mula sa Magsaysay; at ang CARDAMA RIC, Carwang Danglis Maubas Farmers Association, Samahan ng Maralitang Magsasaka, at RIC Caguisan, na pawang nasa bayan naman ng Balabac.

Sa Romblon, mula ang mga partisipante sa mga bayan ng Calatrava, San Andres, Santa Maria, at Alcantara, partikular ang mga kasapi ng ย Linao Vegetable and Crop Growers Association, Pagsangahan Farmers Association, Pangulo Hog Growers Association, Matis-Anon Farmers Association, Doรฑa Trinidad Farmers Association, Santo Niรฑo Farmers and Fisherfolks Association, Paroyhog Farmers and Fisherfolks Association, San Isidro Farmers Association, Camili Corn Growers Association, Kadalag-An Farmers Association, at Alcantara Coconut Farmers Association.

Samantala, sa islang bayan ng Concepcion, lumahok sa pagsasanay ang Tabok Farmers Organization, LETS Farmers Association, Kaagapay Organization, at Samahang Manggagawa ng Sampong (SAMASA).

Pinangunahan nina Engr. Krystal Mae G. Lubos, SAAD MIMAROPA MAED Lead, at Mr. Noel F. Mesuelo, Associate Project Officer I, ang pagsasanay at ginabayan ang mga partisipante sa pagbuo ng market plans na angkop sa kanilang mga proyektong pangkabuhayan. Binigyang-diin nila ang kahalagahan ng market analysis, pagtukoy sa mga target na customer, estratehiya sa pagpepresyo, at pagtukoy ng mga oportunidad sa negosyo upang mapalawak ang naaabot nilang merkado at mapatatag ang kanilang mga negosyo.

Isinagawa rin ang mga hands-on workshop kung saan mismong ang mga kalahok ang bumuo ng kani-kanilang market plan at tinukoy ang angkop na estratehiya sa pagpepresyo ng kanilang mga produkto batay sa pangangailangan ng merkado at gastos sa produksyon.

.

Ibinahagi ni John Pagdulaan, pangulo ng Diit Farmers Association, ang kahalagahan ng pagsasanay sa kanilang samahan..

โ€œMakatutulong po ang mga natutunan namin sa pagpaplano ng aming produksyon at pagbebenta upang maiwasan ang oversupply at masigurong may malinaw na market ang aming mga produkto. Umaasa po kami na maia-apply namin ang mga kaalaman mula sa training at magsisilbi itong gabay sa mas maayos at sustainable na operasyon ng aming samahan,โ€ ani Pagdulaan.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Jane Dalida, auditor ng Doรฑa Trinidad Farmers Association, sa isinagawang aktibidad na aniya ay malaking tulong sa kanilang grupo

โ€œMaraming salamat po sa inyong effort at sa DA-SAAD MIMAROPA sa inyong pagpunta dito sa amin upang mag-conduct ng workshop. Marami po kaming natutunan, lalong-lalo na sa costing ng mga produkto natin. Nag-enjoy din talaga kami. Thank you,โ€ pahayag ni Dalida.

Sampung (10) samahan pa ang nakatakdang sumailalim sa pagsasanay na isasagawa mula Agosto hanggang sa katapusan ng taon.

Habang nagpapatuloy ang mga samahan sa kanilang paglalakbay tungo sa pagiging ganap na Community-Based Enterprises (CBEs), mahalagang bahagi ng kanilang paghahanda ang mga capacity-building activity tulad ng Training on Market Planning upang higit na mapalakas ang kanilang kakayahan sa business management at marketing.

ย 

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.