PALAWAN โ Tiniyak ng Department of AgricultureโMIMAROPA (DA-MIMAROPA) ang patuloy na suporta sa lokal na pamahalaan ng Agutaya at Provincial Government of Palawan upang mapigilan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF), kasunod ng pagkumpirma ng sakit sa Barangay Concepcion, Agutaya.
Bilang agarang suporta sa mga isinasagawang disease control at surveillance activities, pinadali ng DA-MIMAROPA ang pamamahagi at pagdadala ng disinfectants at ASF rapid test kits sa Provincial Veterinary Office (PVO) ng Palawan.
Nagbigay rin ang DA-MIMAROPA ng technical assistance at mga kaukulang guidelines hinggil sa depopulation, indemnification, movement control, biosecurity, surveillance, at iba pang ASF response measures upang maging gabay ng mga lokal na awtoridad sa pagpapatupad ng mga hakbang laban sa sakit.
Batay sa laboratory test results na inilabas ng DA-Bureau of Animal Industry (BAI) noong Setyembre 22, 2026, 40 sample na nakolekta mula sa Barangay Concepcion ang nagpositibo sa ASF.
Bago pa makumpirma ang resulta, nakikipag-ugnayan na ang DA-MIMAROPA sa PVO Palawan simula Setyembre 10 matapos maiulat ang hindi pangkaraniwang pagkamatay ng mga baboy sa Barangay Concepcion, isang island barangay ng Agutaya.
Noong Setyembre 15, nagtungo ang PVO Palawan at Municipal Agriculture Office (MAO) ng Agutaya sa lugar upang magsagawa ng disease investigation at sample collection. Isinumite naman sa DA-BAI ang mga nakolektang blood sample noong Setyembre 21 para sa laboratory testing.
Kasunod ng pagkumpirma ng ASF, agad na nakipag-ugnayan ang DA-MIMAROPA sa PVO Palawan upang mapabilis ang pagpapatupad ng mga kinakailangang containment at control measures.
Alinsunod sa direktiba ni Regional Executive Director Atty. Christopher R. Baรฑas na agad tugunan ang kaso, kaagad na nakipag-ugnayan ang Regulatory Division at Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory (RADDL) sa PVO Palawan upang pagtibayin ang mga kinakailangang hakbang laban sa ASF.
Sinundan ito ng mga virtual coordination meeting noong Setyembre 24 at 25 kasama ang PVO Palawan, Provincial Agriculture Office, Municipal Agriculture Office (MAO) ng Agutaya, at iba pang stakeholders upang pagtibayin ang mga hakbang para sa containment, surveillance, biosecurity, at pagkontrol sa pagkalat ng ASF.
Binigyang-diin din sa mga pagpupulong ang pagsunod sa mga kinakailangang proseso at pagsusumite ng kaukulang dokumento upang maging kwalipikado ang mga apektadong hog raiser sa indemnification para sa mga baboy na boluntaryong isinuko para sa depopulation bilang bahagi ng ASF control measures. Ang indemnification ay nakabatay sa uri o classification ng baboy na isinailalim sa culling. Karaniwang saklaw nito ang mga adult hog, kabilang ang boars at sows, habang maaaring hindi kabilang ang mga suckling piglet.
โNang makumpirma nating positibo sa ASF ang mga sample, agad tayong nakipag-ugnayan sa PVO at MAO upang maibigay ang mga kinakailangang tulong at mapabilis ang pagpapatupad ng mga hakbang laban sa pagkalat ng sakit. Sa ngalan ng ating Kalihim Francisco โKikoโ Tiu Laurel, Jr., tinitiyak natin ang buong suporta ng DAโmula sa pagkontrol at pagpigil sa pagkalat ng ASF hanggang sa pagtulong sa pagbangon ng mga apektadong magbababoy,โ ani RED Baรฑas.
Kabilang sa mga pangunahing hakbang na inirekomenda ang pag-activate ng ASF Local Task Force, agarang pagtugon sa mga infected premises, pagpapaigting ng border at movement control sa mga pantalan ng Agutaya, at pagsasagawa ng active surveillance sa buong munisipalidad upang matukoy ang lawak at distribusyon ng sakit.
Kasabay nito, paiigtingin ang information, education, and communication (IEC) activities at biosecurity measures upang mabigyan ng sapat na impormasyon ang mga hog raiser at iba pang stakeholders kung paano maiiwasan ang pagkalat ng ASF.
Patuloy ang koordinasyon ng DA-MIMAROPA sa PVO Palawan, LGU Agutaya, at iba pang katuwang na ahensya upang mabantayan ang sitwasyon at matiyak na naipatutupad ang mga kinakailangang hakbang upang makontrol ang ASF at maprotektahan ang kabuhayan ng mga magbababoy sa lugar.
Pinaaalalahanan naman ang mga hog raiser na panatilihin ang mahigpit na biosecurity sa kanilang mga babuyan, sumunod sa umiiral na movement control measures, at agad na ireport sa lokal na veterinary o agriculture office ang anumang hindi pangkaraniwang pagkakasakit o pagkamatay ng mga baboy.
โMuli po, hinihikayat natin ang ating mga hog raiser na agad makipag-ugnayan sa kanilang Municipal Agriculture Office, Municipal o Provincial Veterinary Office, o Agricultural Extension Worker kapag nakapansin ng biglaang pagkakasakit o pagkamatay ng kanilang mga alagang baboy. Kailangan din nating muling higpitan ang biosecurity sa mga babuyan at sundin ang mga patakaran sa paggalaw ng mga baboy at produktong karne upang mapigilan ang pagkalat ng ASF. Malaking bagay din ang pakiki-isa ng ating mga biyahero na pansamantalang huwag muna magdala ng baboy o kaya naman produkto na gawa sa baboy mula sa mga ibang lugar lalo na sa mga bayan na may positibong kaso ng ASF upang maiwasan natin ang paglaki ng insidente,โ payo ni RED Baรฑas.
