News and Events

DA-MIMAROPA, pinaigting ang aksyon kontra ASF sa San Jose, Occidental Mindoro

DA-MIMAROPA, pinaigting ang aksyon kontra ASF sa San Jose, Occidental Mindoro

SAN JOSE, Occidental Mindoro โ€” Pinaigting ng Department of Agricultureโ€“MIMAROPA (DA-MIMAROPA) ang pakikipag-ugnayan at mga hakbang laban sa African Swine Fever (ASF) kaugnay ng mga bagong kaso na naitala sa bayan ng San Jose, Occidental Mindoro.

Tiniyak ni Regional Executive Director (RED) Atty. Christopher R. Baรฑas na patuloy na isinasagawa ng Kagawaran ang mga hakbang laban sa ASF katuwang ang Provincial Government of Occidental Mindoro, mga lokal na pamahalaan, veterinary offices, at iba pang kinauukulang ahensya upang maagapan ang pagkalat ng sakit at maprotektahan ang kabuhayan ng mga magbababoy.

โ€œAgad po sa atin nakipag-ugnayan ang Provincial Veterinary Office at San Jose Municipal Agriculture Office ng may hinihinalaang pa lamang na kaso ng ASF. Agad naman po tayong umalalay sa pamamagitan ng ating Regulatory Division at Regional Animal Disease Diagnostics Laboratory sa pagkumpirma kung ito nga ay kaso ng ASF. Nang makumpirma po natin nitong September 4, agad-agad po tayong naghanda ng mga mga disinfectant na ipamamahagi sa mga hog raiser bilang bahagi ng agarang pagpapatibay ng biosecurity measures sa mga komunidad at nakipag-usap tayo sa mga lokal na pamahalaan para sa pagsasagawa ng stakeholders meeting,โ€ pagbabahagi ni RED Baรฑas.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa ang DA-MIMAROPA ng serye ng stakeholders meetings sa 13 barangay ng San Jose mula Setyembre 10 hanggang 11 upang talakayin ang sitwasyon ng ASF sa mga komunidad at pagtugmain ang mga hakbang para sa surveillance, monitoring, pagpapatibay ng biosecurity, at pagpigil sa pagkalat ng sakit.

Kasabay nito, 900 bote ng disinfectant ang nakatakdang ipamahagi bilang agarang suporta sa pagpapatupad ng mas mahigpit na biosecurity measures sa mga apektado at high-risk na lugar.

Patuloy ding nakikipag-ugnayan ang DA-MIMAROPA sa Provincial Veterinary Office at Municipal Government of San Jose para sa monitoring at validation ng sitwasyon at upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng kinakailangang animal health at biosecurity protocols.

Hindi na bago sa lalawigan ang pagtutulungan ng DA at mga lokal na pamahalaan laban sa ASF. Noong 2025, nakapamahagi ang DA-MIMAROPA ng mahigit โ‚ฑ150 milyon na tulong para sa mga magbababoy sa Occidental Mindoro na naapektuhan ng ASF. Kabilang dito ang cash assistance at iba pang intervention para sa pagbangon ng swine industry, kasabay ng pagpapatupad ng biosecurity measures at koordinasyon sa mga LGU.

Binigyang-diin din ni RED Baรฑas ang kahalagahan ng maagap na pag-uulat ng mga hinihinalang kaso at pakikiisa ng mga hog raiser at biyahero upang maiwasan ang pagkalat ng ASF.

โ€œHinihikayat natin ang ating mga hog raiser na agad makipag-ugnayan sa kanilang Municipal Agriculture Office, Municipal o Provincial Veterinary Office, o Agricultural Extension Worker kapag nakapansin ng biglaang pagkakasakit o pagkamatay ng kanilang mga alagang baboy. Kailangan din nating muling higpitan ang biosecurity sa mga babuyan at sundin ang mga patakaran sa paggalaw ng mga baboy at produktong karne upang mapigilan ang pagkalat ng ASF. Malaking bagay din ang pakiki-isa ng ating mga biyahero na pansamantalang huwag muna magdala ng baboy o kaya naman produkto na gawa sa baboy mula sa mga ibang lugar upang maiwasan natin ang paglaki ng insidente,โ€ ani RED Baรฑas.

Samantala, nilinaw ng DA-MIMAROPA na sa kasalukuyan ay wala pang kumpirmadong kaso ng ASF sa iba pang munisipalidad ng Occidental Mindoro. Gayunpaman, hinihikayat ang mga hog raiser sa buong lalawigan na huwag maging kampante at patuloy na magpatupad ng mahigpit na biosecurity measures sa kani-kanilang babuyan upang maiwasan ang pagpasok at pagkalat ng sakit.

Kabilang dito ang regular na paglilinis at pagdidisimpekta ng mga kulungan at kagamitan, pagkontrol sa pagpasok ng mga tao at sasakyan sa mga babuyan, at pag-iwas sa hindi kinakailangang paggalaw ng mga baboy. Hinihikayat din ang mga hog raiser na agad ireport sa kanilang Municipal Agriculture Office o veterinary office ang anumang kahina-hinalang pagkakasakit o biglaang pagkamatay ng kanilang mga alagang baboy.

Hinihikayat din ng Kagawaran ang mga hog raiser na ipa-insure ang kanilang mga alagang baboy sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) bilang karagdagang proteksyon sa kanilang kabuhayan laban sa mga panganib na maaaring makaapekto sa kanilang produksyon.

ย 

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.