Upang mapalawak ang oportunidad sa merkado para sa kanilang swine production project, nakipagsapalaran sa meat processing ang Camili Corn Growers Association (CCGA), isang samahang sinusuportahan ng Special Area for Agricultural Development (SAAD) Program Phase II sa bayan ng Alcantara, Romblon noong Agosto 28, 2026.
Isinagawa ng samahan ang kauna-unahan nitong aktibidad sa pagproseso ng karne bilang bahagi ng kanilang pagsisikap na pag-ibayuhin ang kanilang mga kabuhayan at palakasin ang potensiyal na maging isang Community-Based Enterprise (CBE).
Kabilang ang CCGA sa mga samahang sinusuportahan ng SAAD MIMAROPA sa ilalim ng corn production bago Β ito nagbigyan ng expansion sa swine production. Gayunman, dahil sa mga hamon sa industriya ng baboy, partikular ang pabago-bagong presyo ng live-weight na baboy na kasalukuyang nasa humigit-kumulang Php 150 kada kilo, nagsimulang maghanap ang samahan ng alternatibong paraan upang madagdagan ang kita mula sa kanilang livestock project.
Upang matugunan ang hamong ito, pumasok ang samahan sa food processing sa pamamagitan ng paggamit ng karne mula sa kanilang swine production bilang inputs para sa mga value-added meat products.
Labinlimang (15) miyembro ng samahan ang lumahok sa aktibidad na pinangunahan ng magkapatid na meat dealer na sina Arnold at Arthur Muros mula Taguig City, na inimbitahan ni CCGA President Armand Muros bilang mga tagapagsanay.
Naging kapaki-pakinabang ang pagsasanay sa mga miyembro na mayroon nang karanasan sa pagkakatay ng baboy. Natutunan nila ang tamang paghahanda ng ibaβt ibang processed meat products tulad ng pork longanisa, marinated pork, pork barbecue, at Batangas-style pork tapa. Sinubukan din ng mga miyembro ang paghahanda ng lechon, na nais nilang idagdag sa mga produktong kanilang ibebenta sa hinaharap.
Sa pamamagitan naman ng Marketing Assistance and Enterprise Development (MAED) training na isinagawa ng DA - SAAD MIMAROPA, natutuhan din ng samahan ang wastong product costing upang matukoy ang kabuuang gastos sa produksyon at ang posibleng selling price ng kanilang mga processed products.
βMalaking bagay po para sa aming association na umabot na kami sa processing ng aming mga alagang baboy. Nagsimula kami sa pagpapalaki at pag-aalaga ng baboy, at ngayon ay natututo na rin kami kung paano ito iproseso at gawing mga produktong maaari naming ibenta. Masaya po kami dahil nakikita namin na may dagdag na value at income opportunity para sa association,β ani Muros.
Binigyang-diin din niya ang mga benepisyo ng inisyatiba sa mga miyembro at ipinahayag ang pag-asang higit pang mapalawak ang proyekto.
βMalaking tulong din po ito sa mga miyembro dahil nadadagdagan ang aming kaalaman at karanasan sa pagnenegosyo. Umaasa po kami na mas mapapalago pa namin ang aming livelihood project sa pamamagitan ng patuloy na pagtutulungan,β dagdag niya.
Dahil karamihan sa mga miyembro ng samahan ay kababaihan (11 sa 16 na miyembro), nakatutulong din ang inisyatiba upang mabigyan sila ng mas makabuluhang pagkakataong makibahagi at aktibong lumahok sa mga gawain sa meat processing.
Upang matiyak ang pagpapatuloy ng kanilang meat-processing venture, plano ng CCGA na magtatag ng partnership sa mga pribadong mga kooperatiba na maaaring magsilbing supplier ng karne sa mas mababang halaga, gayundin bilang potensiyal na outlet o bagsakan ng mga processed products ng samahan.
Noong Agosto 2026, may 14 na baboy ang samahan, na patuloy nilang palalakihin upang matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng karne para sa kanilang meat-processing activities.
Sa pamamagitan ng value-adding at market-oriented strategies, layunin ng CCGA na mapakinabangan nang husto ang potensiyal ng kanilang swine production, makalikha ng karagdagang oportunidad sa kita para sa mga miyembro, at higit na mapalapit sa layunin nitong maging isang sustainable Community-Based Enterprise (CBE).
Β
