News and Events

Animal Health Caravan ng DA-MIMAROPA, naghatid ng libreng serbisyo sa mga alagang hayop sa Oriental Mindoro at Romblon

Animal Health Caravan ng DA-MIMAROPA, naghatid ng libreng serbisyo sa mga alagang hayop sa Oriental Mindoro at Romblon

β€œSa 23 heads na ibinigay nila sa amin, 80% na dito ang nanganak habang 80% na rin ang buntis. Nagpapasalamat po kami sa Department of Agriculture na β€˜yong ibinigay nilang intervention ay hindi nasayang bagkus nagbunga po ito.”

Ito ang buong-pusong pasasalamat ni Joseph Gajisan, miyembro ng Roxas Market Multi-Purpose Cooperative (ROMMCO), matapos makinabang ang kanilang samahan sa isinagawang Animal Health Caravan ng Department of Agriculture (DA) – MIMAROPA Livestock Program sa mga lalawigan ng Oriental Mindoro at Romblon.

Ang naturang kooperatiba ay kabilang sa mga benepisyaryo ng Livestock Economic Enterprise Development Program sa ilalim ng cattle multiplier and production farm na direktang natulungan ng programa.

Base sa datos ng DA-MIMAROPA Livestock Program hindi lamang benepisyaryo ng LEED program ang nabigyan ng libreng serbisyo, sa kabuuan umabot sa 437 na baka at kalabaw ang matagumpay na nabigyan ng libreng veterinary at livestock production interventions na kung saan nasa 165 na hayop ang naserbisyuhan sa mga bayan ng Mansalay at Bulalacao sa Oriental Mindoro, habang 272 naman ang naitala sa mga bayan ng Calatrava at Odiongan sa Romblon.

Kabilang sa mga ipinagkaloob na serbisyo ay ang deworming, pagtuturok ng bitamina, estrus synchronization, pregnancy diagnosis, at artificial insemination (AI).

Isinagawa ang aktibidad upang pangalagaan ang kalusugan ng mga alagang hayop, pataasin a ang kanilang lahi gamit ang mga de-kalidad na semilya, at suportahan ang kabuhayan at produktibidad ng mga lokal na livestock raiser sa rehiyon. Naging daan din ito upang magpaabot ng teknikal na tulong at itaguyod ang tamang pamamahala sa kalusugan ng mga hayop sa mismong mga magsasaka.

Ayon kay DA-MIMAROPA Regional Executive Director Atty. Christopher R. BaΓ±as, layunin ng aktibidad na direktang ilapit ang tulong sa mga magsasaka.

β€œDirekta nating inilalapit ang mga serbisyong ito para masigurong malusog, mabilis dumami, at mataas ang kalidad ng ating mga livestock. Malaking tulong ito para mapataas ang produksyon sa paghahayupan at mas umunlad ang kabuhayan ng ating mga lokal na raiser,” pahayag ni RED BaΓ±as.

Binigyang-diin naman ni Baby Jean Ruga, General Manager ng Samasabalatasan Agriculture Cooperative, ang malaking pakinabang ng programa sa kanilang pamayanan.

β€œAng ibinigay po sa aming libreng serbisyo ng Department of Agriculture kasama ang Provincial Veterinary Office ay malaking tulong para sa amin upang magkaroon ng libreng access at mapangalagaan ang aming mga alaga. Mamomonitor po namin ang kalusugan ng mga hayop at magsisilbing karagdagang aral sa aming mga miyembro sa tamang proseso ng pag-aalaga ng hayop,” aniya.

Naging matagumpay ang caravan sa pamamagitan ng teknikal na gabay mula sa mga livestock technician at animal health staff sa pangunguna ni Regional AI Coordinator Arman Melendrez, katuwang ang Provincial Veterinary Office, mga AI Technician, at Agricultural Extension Workers (AEWs).

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.