News and Events

150 Kalabaw at Baka sa Gloria, Oriental Mindoro, Nabigyan ng Serbisyong Pangkalusugan at Reproductive Assistance mula sa DA-MIMAROPA

150 Kalabaw at Baka sa Gloria, Oriental Mindoro, Nabigyan ng Serbisyong Pangkalusugan at Reproductive Assistance mula sa DA-MIMAROPA

Umabot sa 150 kalabaw at baka ang nakatanggap ng libreng serbisyong pangkalusugan sa isinagawang Animal Health Caravan ng Department of Agriculture (DA) MIMAROPA Livestock Program sa bayan ng Gloria, Oriental Mindoro noong ika-3 hanggang ika-6 ng Agosto.

Ang aktibidad ay alinsunod sa direktiba ni Regional Executive Director Atty. Christopher R. BaΓ±as na higit pang suportahan ang mga livestock raisers sa pamamagitan ng paglalapit ng mga veterinary at reproductive services sa mga komunidad. Layunin nitong mapalakas ang kabuhayan ng mga lokal na magsasaka sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kalusugan, pagpapahusay ng reproduction, at pagpapataas ng produktibidad ng kanilang mga alagang hayop. Kabilang sa mga libreng serbisyong ipinagkaloob ang estrus synchronization, artificial insemination (AI), deworming, at pagbibigay ng mga bitamina upang mapanatiling malusog at produktibo ang mga alagang hayop.Β 

Naging malaking tulong sa tagumpay ng caravan ang pagtutulungan ng mga opisyal at Artificial Insemination (AI) technicians mula sa iba't ibang lalawigan ng rehiyon - kabilang ang Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Romblon, at Palawan - kasama ang mga kinatawan mula sa Provincial Veterinary Office (PROVET), Bureau of Animal Industry (BAI), Philippine Carabao Center (PCC), at National Dairy Authority (NDA).

β€œMalaking bagay po sa amin ito kasi hindi na namin kailangan maghanap kung saan-saan para lang magpalahi ng aming mga hayop. Tatlong beses ko na pong nasubukan magpa-AI, at mas maganda ang naging resulta sapagkat maganda ang kalidad ng mga guya kumpara sa native at natural na pagpapalahi,” ayon kay Melca Sapurna, isa sa mga nakinabang sa serbisyo ng caravan.

Kasabay ng serbisyo, isinagawa rin ang Unified National Artificial Insemination Consultative Meeting kung saan tinalakay ang mga naging tagumpay ng rehiyon sa artificial insemination. Base sa datos ng BAI, naitala na humigit-kumulang 2,606 na beef, dairy, at kalabaw ang na-AI sa buong rehiyon ng MIMAROPA noong 2025.

Nagkaroon din ng talakayan tungkol sa mga pang-araw-araw na hamon ng mga AI technician sa field, tulad ng limitadong suplay ng magandang kalidad ng semilya at breeding bulls, lagay ng panahon, at kakulangan ng mga kwalipikadong technician. Bukod dito, nagpalitan din ng mga ideya at estratehiya ang mga eksperto upang mas mapataas pa ang antas ng tagumpay sa pagpapalahi.

Samantala, binigyang-diin ni Regional AI Coordinator Arman Melendrez ang kahalagahan ng patuloy na pag-alalay sa mga magsasaka sa rehiyon.

β€œAng layunin natin dito ay hindi lang basta magbigay ng serbisyo sa loob ng isang linggo, kundi ang maiangat ang kalidad ng buhay ng ating mga magsasaka. Sa bawat bakuna, bitamina, at matagumpay na artificial insemination na naipagkakaloob natin, sinisiguro natin na mas lalakas ang kanilang kabuhayan at mas magiging masagana ang sektor ng paghahayupan,” aniya.

Sa pamamagitan ng patuloy na pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan at ng mga lokal na pamayanan, inaasahan ng DA MIMAROPA na mas mapalalago pa ang populasyon ng mataas na kalidad ng mga alagang hayop, na magiging susi sa mas matatag na pangkabuhayan at seguridad sa pagkain ng mga mamamayan sa rehiyon.